CENTRAL MINDANAO-Patay ang dalawang treasure hunter na pumasok sa isang sagradong kweba sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga biktima ay mga residente ng Barangay Dimapatoy Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya na kahit pinagbawalan na ng lokal na pamahalaan na magtreasure hunting sa kweba sa sitio Nabilan ay pinasok ito ng ilang residente.
Ang kweba umano ay naglalaman ng mga ginto at ibang kayamanan.
Habang nasa loob ng kweba ang grupo ng mga treasure hunter ay nakadama sila ng takot kung saan napansin umano nila na may mga dewende at kapre.
Biglang nakaamoy ng di pa matiyak na uri ng kemikal ang mga treasure hunter kaya napilitan silang lumabas ngunit naiwan ang dalawa sa kanilang mga kasamahan.
Patay na nang matagpuan ang mga biktima at posibling nalason sa naamoy na kemikal.
Matatandaan na unang pinasok ng mga treasure hunter noong nakaraang buwan ang kweba kung saan isa rin ang nasawi.
Sinabi ng mga matatandaang katutubo na Sagrado ang kweba at may nagbabantay na ibang nilalang.
Tinungo ng mga otoridad ang kweba at isinara para maiwasan ang kahintulad na pangyayari.