-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagsuntukan ang dalawang tricycle drivers sa gitna ng kalsada matapos mag-agawan ng isang pasahero sa Bonifacio St. dito sa lungsod ng Laoag.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Laoag, ang sidecar number ng mga hindi pa pinangalanang drivers ay 1057 at 2490 kung saan, isa sa mga ito ay residente sa Barangay Lagui-Sail.

Kinondena naman ni Police Lt. Col. Joseph Baltazar, ang chief of police ng Philippine National Police dito sa lungsod ang ginawa ng dalawang tricycle drivers at sinabing nakakahiya ito na maraming nakakita at may mga turista na nasa lalawigan.

Ayon kay Baltazar, nag-agawan umano ang dalawang tricycle drivers sa isang pasahero na dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan at nauwi sa suntukan.

Sinabi pa nito na kung mapapatunayang may linabag ang mga ito ay paparusahan at pwede ring irekomenda sa operator ng mga ito na suspensuhin para matuto at huwang na itong maulit at para alam nila kung paano kontrolin ang kanilang sarili.

Dagdag nito na pinatawag na rin nila ang mga ito sa police staton para sa kanilang pag-uusap.