-- Advertisements --
Patay ang dalawang tripulante ng tanker ang nasawi sa nangyaring drone attack sa coast of Oman.
Isang Briton at Romanian na tripulante ang nasawi na lulan ng Mercer Street tanker.
Ang ay pag-aari ng bilyonaryo sa Israel na sinasabing isang uri ng pagpirata ang insidente.
Naniniwala naman ang isang opisyal ng US defense department na ang drone ay inooperate ng Iran.
Base sa imbestigasyon na sumabog bigla sa tanker ang nasabing mga drone.
Noon pa man aniya ay alam na ng US military na nag-ooperate ang Iran ng mga drone na may dalang mga bomba.
Mula sa Dar es Salaam sa Tanzania ang tanker at patungo sana sa Fujariah sa Unite Arab Emirates ng mangyari ang insidente.