-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinaghahanap na sa ngayon ng mga otoridad ang halos 10 mga Treasure hunters sa Brgy. Kiponget, Palimbang, Sultan Kudarat dahil sa mga butas na ginawa ng mga ito sa nasabing barangay at sa illegal na aktibidad na ginagawa ng mga ito.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Joenime Kapina, alkalde ng Palimbang sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Mayor Kapina, marami sa mga residente ng nabanggit na bayan ang nagsumbong sa mga otoridad dahil sa tunnel na hinukay ng mga ito na ngayon ay malalim na at pinangangambahan na gumuho.

Agad naman na nagsagawa ang mga otoridad ng operasyon at tinungo ang nasabing mga tunnel ngunit naka-timbre na umano ang mga illegal treasure hunters at nakatakas ang mga ito.

Narekober naman ng mga otoridad ang mga kagamitan ng mga ito at kinustodiya habang patuloy ang imbestigasyon sa mga illegal treasure hunting activities sa nasabing bayan.