CENTRAL MINDANAO-Hinigpitan pa ang minimum health protocols sa probinsya ng Cotabato matapos maitala ang dalawang UK Variant positive case.
Ito mismo ang kinumperma ni Integrated Provincial Health Office (IPHO-Cotabato) Chief Dra Eva Rabaya.
Ayon kay Rabaya nagmula sa bayan ng Midsayap ang dalawa katao na nagpositibo sa mabagsik na UK variant ng Coronavirus Disease.
Nasa isolation facility na ang dalawa at galing umano sa ibang bansa na umuwi sa bayan ng Midsayap ngunit patuloy pa itong iniimbestigahan ng mga health expert.
Tuloy-tuloy rin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang nahawaan ng UK variant.
Maliban sa dalawang UK variant positive,isa rin katao ang nagpositibo sa South African Variant sa bayan ng Tulunan Cotabato.
Dagdag ni Rabaya na kung walang importanteng pupuntahan ay manatili na lamang sa bahay para iwas sa nakakahawang sakit.
Sa ngayon ay todo bantay ang mga otoridad sa mga border checkpoint sa probinsya ng Cotabato at mahigpit na pinatutupad ang General Community Quarantine.