-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang dalawang umano’y mga bomb courier sa nangyaring shootout sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Capt.Jethro Dave Doligas, hepe ng Esperanza Municipal Police Station, inaalam pa sa ngayon ag totoong identity ng dalawang nasawing suspek.

Napag-alaman na pinara umano ang mga ito ng mga naka-deploy na pulis sa checkpoint ngunit sa halip na huminto ay nagpaputok ang mga ito.

Kaya’t napilitan umanong gumanti ang mga pulis kaya’t nangyari ang palitan ng putok hanggang sa tinamaan ang dalawang mga suspek.

Narekober sa possession ng mga ito ang halos 40 sachet ng pinaniniwalaang shabu, mga assorted IDs, caliber 22 , cal. 20 pistol at isang improvised explosive device (IED).

Pinaniniwalaan naman na may planong maglunsad ng anumang kalakasan ang mga ito dahil sa bitbit na IED.

Sa ngayon, nasa RC funeral home na sa Barangay Sagasa,Esperanza, Sultan Kudarat ang mga bangkay ng mga ito.