-- Advertisements --

CEBU CITY – Hinikayat ni Cebu City Police Office (CCPO) Director, Police Colonel Ireneo Dalogdog, ang mga magulang, at mga opisyal ng University of the Philippines-Cebu, na makipag-ugnayan sa kanila sa umano’y ‘pagdukot’ kina Diane Gumanao at Arman Dayuha noong Enero 10 sa Cebu City.

Sinabi ni Colonel Dalogdog na hindi na kailangang palakihin pa ang isyu at madungisan ang pangalan ng mga pulis dahil hinihiling nila na makipagtulungan sa kanila ang mga nabanggit na partido upang mahuli at makasuhan ang mga salarin sa umano’y pagdukot o kidnapping.

Ayon sa kanila, matagal na nilang tinatawagan ang mga magulang ng mga mag-aaral sa UP ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito nakakausap.

Bagama’t natagpuan na ang dalawa, ibinunyag ni Dalogdog na mas makabubuting kausapin nila ang mga biktimang ito tungkol sa tunay na nangyari upang maisampa ng pulisya ang kaso laban sa mga suspek.