Handa umano ang dalawang US biotechnology firms na magsuplay sa Pilipinas ng hanggang 25 million doses ng COVID-19 vaccine.
Ito ang kinumpirma ngayon ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez.
Ang bakuna ng pharma giants na Moderna at Arcturus ay kandidato na rin para sa vaccines.
Sa kanyang statement sinabi ng ambassador, kung aaprubahan ng gobyerno ng Pilipinas ang proposal ng Moderna at Arcturus, maari na raw makapag-deliver ng 4 million hanggang 25 million doses ng vaccine sa third quarter ng susunod na taon.
Dahil dito umaasa si Rumualdez na sana isama sa listahan ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga nakalinya na anti-COVID vaccines ang Moderna at Arcturus liban pa sa naunang pagkukunan na Pfizer.
Ang Moderna vaccine ay binigyan na rin ng go-signal ng mga US panel of experts para sa emergency approval dahil daw sa ito ay 94 percent na epektibo laban COVID-19.
“I am pleased to report that, aside from Pfizer, Moderna and Arcturus are ready to supply the Philippines anywhere between 4-25M of their respective vaccines starting Q3 2021,” ani Amb. Rumualdez sa statement.