-- Advertisements --

Kinumpirma ng US military na dalawang US navy pilots ang bumagsak sa Red Sea.

Nangyari umano ito dahil sa ‘friendly fire’ kung saan ligtas na nakalabas ang mga piloto.

Una ng sinabi ng mga Houthi rebels na kanilang pinabagsak ang F-18 fighter jets.

Sinabi naman ng US Central Command (CENTCOM) hindi kagagawan ito ng mga Houthi at aksidenteng natamaan sila.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa insidente.