-- Advertisements --

Inatake ng mga kabataan at mga babae ang dalawang US Marines habang sila ay nasa Turkey.

Batay sa report na inilabas ng U.S. Sixth Fleet, ang dalawang Marines ay miyembro ng USS Wasp na nagsasagawa lamang ng port visit sa Izmir.

Nakasuot umano ang mga ito ng civillian clothes noong atakehin sila ng isang grupo na binubuo ng dalawang babae at 13 na lalake na pawang mga miyembro ng Turkish Youth Group.

Ang naturang grupo ay binubuo ng mga kabataan at mga estudyante na pawang mayb mga anti-American at anti-imperialist principle.

Batay pa sa report ng U.S. Sixth Fleet, umawat din ang iba pang mga Marines na nakasaksi sa naturang kaguluhan at agad dinala ang dalawang sundalo sa ospital.

Sa kasalukuyan ay nasa maayos nang kalagayan ang dalawang sundalo habang 15 suspek ang patuloy nang iniimbestigahan ng pulisya.