ROME – Humarap sa korte ang dalawang Amerikanong teenagers nitong Sabado matapos na dakpin dahil sa pagpatay sa isang Italian police officer.
Napatay si officer Mario Rega Cerciello matapos itong pagtatagain ng walong beses makaraang sinubukan nilang damputin ng kanyang kasama ang dalawang lalaking nahaharap sa reklamong pagnanakaw.
Ayon sa pulisya, naaresto nila ang dalawang Amerikano habang naghahanda ang mga ito na mag-check out sa kanilang hotel and fly home sa Rome.
Sinampahan na sila ng reklamo ng mga mang-uusig dahil sa insidente na naganap nitong Biyernes (local time) sa sentro ng siyudad malapit sa Vatican.
Kinilala ang nasabing mga suspek na sina Christian Gabriel Natale Hjorth at Elder Finnegan Lee, kapwa 19-anyos.
Batay sa mga ulat, umamin na raw ang isa sa kanila ngunit sinabi nito na hindi niya raw napagtantong pulis si Cerciello dahil pareho raw hindi nakauniporme ang dalawang opisyal.
Sa pahayag naman ng Italian police, inamin ng dalawa na nagnakaw daw sila ng bag mula sa isang Italyano.
Upang ibalik ang bag, inihirit daw nila ang US$111 at isang gramo ng cocaine.
Ipinabatid daw ng biktima sa mga pulis ang pagnanakaw, ngunit nang aarestuhin na ng dalawang officers ang mga suspek, bigla na lamang daw naglabas ng patalim ang isa sa mga ito.
Nakatulong din umano ang surveillance cameras upang matunton ang dakawa sa kanilang tinutuluyang four-star hotel na nauwi sa kanilang pagkakahuli.
Binabalak sampahan ang dalawa ng aggravated homicide at attempted extortion.
Samantala, sa pahayag naman ng US State Department: “We are aware of these reports. When a US citizen is detained overseas, the Department works to provide all appropriate consular assistance.” (AFP/ CNA)