-- Advertisements --
laoag bloodleting

LAOAG CITY – Maraming mga residente kasama na ang ilang grupo o asosasyon ang pumila para mag-donate ng dugo para sa taunang Dugong Bombo, A Little Pain, A Life To Gain na isinasagawa ng Bombo Radyo Philippines.

Ang naturang blood letting activity ng Bombo Radyo Laoag ay nasimulan sa dalawang venue kaninang pasado alas-7:00 ng umaga.

Unang dumating sa Laoag City Hall ang mga kasapi ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Military, at mga residente habang sa covered court ng Mariano Marcos State University (MMSU) sa lungsod ng Batac ay dinagsa rin ng mga estudyante partikular ang ROTC.

Ilan sa mga donors ang nagsabing taun-taon silang nagdo-donate ng dugo dahil rin sa pagnanais nilang makatulong sa mga nangangailangan.

Siniguro rin nila na sinunod nila ang tamang proseso bago pumunta sa venue gaya ng may sapat na tulog at hindi uminom ng mga nakakalasing.