LA UNION – Arestado ang dalawang katao dahil sa paglabag sa ipinapatupad ngayon na liquor ban sa ilalim ng Omnibus Election Code.
Unang inaresto ng mga pulis, sa pamamagitan ng sumbong ng kapitbahay, ang suspek na nakilala sa pangalang Venus Alejo, 27, isang store owner ng Barangay Upper Tumapoc, Burgos, La Union, dahil sa umano’y pagtitinda ng nakakalasing na inumin at sa isa pang menor de edad.
Ang pangalawang inaresto ng mga nagpapatrolyang pulis ay isang driver ng 6-wheeler truck, nagngangalang Jimmy dela Cruz, 50, balo, at residente ng Barangay Boy-utan, Bauang, La Union.
Base sa report, napansin ng mga otoridad ang umano’y pagewang gewang na takbo ng minamanehong trak ni dela Cruz, sa barangay road ng Boy-utan.
Sinita ang driver at dinala sa Naguilian District Hospital, bagay na naging positibo ito sa AB examination.
Ang dalawa na isinailalim sa kustodiya ng PNP ay nahaharap sa kaukulang multa at posibleng patawan ng hindi lalagpas sa 6 na taong pagkakabilanggo.