Pinaghahanda ng NDRRMC ang publiko sa posibleng ihatid na ulan ng dalawang namumuong sama ng panahon sa paligid ng Pilipinas.
Isa sa mga ito ay nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR), habang ang isa pa ay nasa labas pa ng ating teritoryo.
Ang una ay active low-pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng Mindanao.
Posible umano itong maging ganap na bagyo at inaasahang magdadala ng ulan hanggang sa pagpasok ng susunod na linggo, kung saan matatapat sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang pangalawang LPA naman na nabuo sa West Philippine Sea ay hindi na maituturing na banta sa bansa dahil namataan na ito sa Vietnam.
Gayunman, may isa pang binabantayang cluster of clouds sa Pacific Ocean.
Nananatili pa ito sa labas ng PAR at patuloy na oobserbahan kung magiging LPA sa mga darating na araw.
Sa kasalukuyan, may mga naitatala nang pag-ulan sa Davao Region, CARAGA, Eastern Visayas at ilang bahagi ng Bicol Region dahil sa weather disturbance formation na nasa ating teritoryo.