Itinuturing nang ganap na bagyo ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa ahensya, ang unang minor tropical depression ay huling namataan sa layong 880 km silangan ng Eastern Visayas.
Samatala sa ngayon ay hindi ito nakikitang tatama sa ating bansa, ngunit posibleng lumapit sa bahagi ng karagatang ng Extreme Northern Luzon sa susunod na linggo at kikilos papuntang Taiwan o Southern Japan.
Samantala huling namataan naman ang isa pang tropical depression sa West Philippine Sea, sa layong 225 km kanluran ng Calapan City.
Asahang kikilos ito papuntang Southern China sa mga susunod na araw.
Ang magiging pangalan ng dalawang sama ng panahon ay Butchoy at Carina.