Nagbabala sa publiko ang United States Food and Drug Administration tungkol sa dalawang website na nagbebenta ng mga gamot na di-umano’y kayang pagalingin ang mga pasyenteng may coronavirus disease.
Ang mga naglutangang website ay nag-ooffer ng mga hindi aprubado at unauthorized na gamot kontra COVID-19.
Mabibili ang mga iligal na gamot sa Foxroids.com at Antroids.com kung saan nabatid ng FDA na ang mga naturang gamot na binebenta ay ginagamit din para sa mga taong may HIV at influenza.
Kilala ang mga website na ito dahil sa kanilang ibinebentang steroids online.
Ang lopinavir at ritonavir ay parehong sumailalim sa COVID-19 vaccine test ngunit lumabas sa resulta noong Marso na hindi ito epektibo.
Sa ngayon kasi ay wala pang kahit anong gamot na inaaprubahan para gamitin sa mga COVID-19 positive patients sa buong mundo.
Kamakailan lamang nang magbigay din ng emergency use authorization (EUA) ang US FDA para sa gamot na remdesivir na gawa ng Gilead Sciences.
Kaagad namang tinanggal ng mga nabanggit na website ang mga naturang gamot at tikom pa ang kanilang bibig tungkol sa isyu.