VIGAN CITY – Pinag-aaralan ngayon ng Ilocos Sur Task Force on COVID-19 ang pagpapasara sa border ng lalawigan upang makapagpahinga ang mga health care workers at mabawasan ang bilang ng mga pasyente sa mga isolation facility.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Gov. Ryan Singson, kinakailangan muna umano ng approval ng Regional Inter Agency Task Force sa loob ng dalawang linggo na pagpapasara sa border.
Inaasahan ni Singson na maiiintindihan ng IATF ang hakbang ng provincial government dahil kung titignan umano ang record ay karamihan sa mga nagpositibo ay mga authorized persons outside residence (APOR).
Patuloy namang nananawagan ang gobernador sa mga APOR na babalik sa lalawigan na mag-home quarantine at sumunod sa mga iba pang health protocols.