-- Advertisements --
coronavirus 1
Coronavirus

Nilinaw ng kilalang microbiologist and infectious specialist na si Dr. Raul Destura na aabutin pa ng dalawang linggo bago maging available for commercial use ang naimbento nilang testing kits para sa COVID-19.

Kung maaalala una nang sinabi ng DOH officials na limitado ang supply ng test kits sa bansa kaya ilang government facility lamang ang kuwalipikado tulad ng RITM para sa magsagawa nang pagsusuri sa mga hinihinalang pasyente ng coronavirus.

Ayon kay Destura, na konektado rin sa UP, ngayong linggo pa lamang daw kasi ang field testing ng kits bilang bahagi ng final testing bago ito gamitin para sa commercial use sa Pilipinas.

Inamin naman nito na pahirapan din ngayon ang pagkuha nila ng raw materials mula sa Amerika dahil sa global demand.

Sa ngayon aniya ay meron silang 20,000 stocks at darating naman bukas ang inorder nilang 18,000 at sa susunod namang linggo ay darating sa bansa ang dagdag pang 30,000 na raw materials na kailangan sa paggawa nila ng mga test kits.

Sinasabing mas makakamura ng malaki ang bansa sa local test kits na na-develop ng grupo nina Dr. Destura kumpara sa presyo sa ibang bansa. Liban ito sa mas mabilis pa ang paglalabas ng resulta.

Samantala, ang naunang 2,000 test kits na donasyon sa DOH ay dinagdagan naman ng pamahalaan ng China.