-- Advertisements --
Lusot na sa Kamara ang panukala para palawigin ng dalawang taon pa ang estate tax amnesty.
Nasa 259 affirmative votes ang nakuha ng House Bill 7909 nang pagbotohan sa plenaryo.
Sa ilalim nito mula sa June 14, 2023 deadline ay iuurong ito sa June 14, 2025.
Ang naturang amnesty program ay magbibigay pagkakataon sa mga indibidwal na mayroong hindi nabayarang estate tax na magbayad ng walang multa.
Sakop nito ang mga property ng decedent na pumanaw hanggang noong December 31, 2021…mula sa kasalukuyang December 2017 coverage.
Hinimok naman ni House Speaker Martin Romualdez, pangunahing may-akda ng panukala, ang mga amnesty beneficiary na samantalahin ang panibagong extension sa programa.