Aprubado na ng House tax panel ang dalawang taon na estate tax amnesty extension matapos sumailalim sa matinding talakayan ang House Bill No. 7409 na iniakda ni House Speaker Martin Romualdez.
Sa nasabing pagdinig, inatasan ni House Ways and Means Chair at Albay, 2nd district Representative Joey Salceda ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na simplehan nito ang filing procedure at gawin itong digital ng sa gayon maka-avail ang ating mga kababayan sa nasabing programa.
Ayon kay Salcesa, ang gawain ng Estate Tax Amnesty ay mag-unlock ng sapat na halaga mula sa idle at unsettled estates.
Dagdag pa ni Salceda na ang ideya na ito ay upang ilipat ang mga estate nang mas mahusay at mas mabilis ng sa gayon mas mapakinabangan pa sa pang-ekonomiyang paggamit.
Ang itinakdang extended deadline ay sa June 14, 2023, kaya umaasa si Salceda na mabibigyan na ito ng pansin ng ating mga kababayan para ma clear ang kanilang obligasyon sa gobyerno.
Gayunpaman, sinabi ni Salceda na dapat ding tingnan ng gobyerno ang “non-tax barriers sa pag file ng estate.
Umaasa si Salceda na ito na ang huling gagawing extension ng gobyero sa RA 11213 dahil tinatalo nito ang layunin ng pagsunod sa buwis kung ang mga paglabag ay palaging patatawarin.
Isinusulong ni Salceda na simplehan ang filing procedures at gawin ito online o magbukas ng assistance center sa mga local governments at ang pagtatatag ng BIR ng Estate Tax Amnesty helpline.
Sa kabilang dako, hindi makikinabang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa isinusulong na panukala na palawigin ang estate tax amnesty ng dalawang taon mula June 15, 2023, hanggang June 14, 2025.
Sa ilalim ng nasabing panukala, pinapayagan ang mga indibidwal na i settle ang kanilang outstanding estate taxes ng walang penalties at interests.
Sa pagdinig ng Komite tinanong ACT Rep. France Castro kung maaari ba na ma-avail ito ni President Marcos Jr.?”
Nilinaw naman ng Makabayan bloc lawmaker na di siya against sa extension ng estate tax amnesty, kaniya lamang tinatanong kung paano kokolektahin ng BIR ang unpaid taxes mula sa mga deliquent payments.