-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Plano ngayon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na iiklian pa ang dalawang taong transition period para sa pagbabalik na sa traditional school year.
Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio, ito ang kanyang nasagap na impormasyon bago pa man umalis patungong Estados Unidos si Pangulong Marcos para sa Trilateral United States-Japan-Philippines Leaders’ Summit.
Ayon sa opisyal, makikipag-meeting sila sa pangulo pagbalik nito sa bansa upang malinawan ang Department of Education kung ano ang magiging direktiba nito para sa kontrobersyal na pagbabalik sa traditional school year.