Nahaharap sa deportation sa Bali, Indonesia ang dalawang Youtubers dahil sa ginawa nilang prank videos na lumalabag sa pagsusuot ng face mask.
Kinumpiska ng mga otoridad ang pasaporte nina Josh Paler Lin at Leila Se at pinalayas sa Indonesia.
Nangyari lamang ang pagpapauwi sa dalawa matapos ang na kumalat ang ginawa nilang prank video.
Makikita sa video na pumasok sa grocery sa Bali si Se na walang suot na face mask.
Pininturahan lamang nito ang kaniyang mukha para magmukhang mayroon itong suot na facemask.
Matapos ang pag-viral ng video ay agad silang pinuntahan ng mga otoridad at kinumpiska ang kanilang mga pasaporte.
Mahigpit kasi na ipinapatupad sa Indonesia ang pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar.
Mayroon kasing mahigit 3.4 milyon na subscriber sa Youtube si Lin at nagviral ang kaniyang ginawang video.