-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nasa pangangalaga na ngayon ng City Social Welfare Development (CSWD) Office sa lungsod ng Davao ang dalawang taong gulang na batang lalaki na minartilyo ng kanyang 17-anyos na ina.

Humingi na rin ng tawad ang suspect sa ginawa nito sa kanyang anak at ikinatwiran na nawala umano siya sa kanyang sarili kaya nagawa niya ang naturang bagay.

Sinabi ng suspek na naiingayan umano ito sa walang tigil na pag-iyak ng kanyang anak kaya uminit umano ang kanyang ulo at pinukpok ng martilyo ang bibig ng biktima.

Pero inihayag ni Buhangin chief of police Maj. Estrello Ramiso na hinihintay pa nila ang pormal na reklamo ng landlady ng boarding house kung saan nakatira ang mag-ina at ang magiging desisyon ng CSWD sa naturang pangyayari.

Maliban sa dalawang taong gulang na anak, mayroon pang isang anak ang suspect na nasa isang taong gulang pa lamang kung kaya nanawagan ito sa mga otoridad na patawin na ito at huwag siyang ikukulong.