Aabutin pa raw ng dalawang taon bago mabakunahan ang lahat ng mamamayan laban sa COVID-19.
Ito ang pagtaya ni World Health Organization (WHO) country representative Dr. Rabindra Abeyangsinghe.
Ginawa ng top WHO official sa bansa ang pahayag sa gitna na rin nang pag-asam ng marami na ang vaccine daw ang makakapagsalba sa mundo.
Ayon kay Dr. Rabindra, kahit may bakuna na hindi pa rin ito ang makakapagbukas sa mundo.
Aniya, hindi pa rin mawawala ang virus dahil tuloy-tuloy ang transmission.
Dahil dito, wala pa ring ligtas ang lahat kaya mas maigi na panatilihin pa ring sundin ang health protocols lalo na ang physical distancing measures para maiwasan ang susunod na mutations ng new variant ng virus.
Samantala nilinaw din naman ni Dr. Rabindra na hindi na kailangan ang doble na face mask kung ang ginagamit naman ng isang tao ay surgical mask.