-- Advertisements --
Russell Westbrook/ Photo courtesy of NBA

Pinamunuan ni Russell Westbrook na tumipon na naman ng triple-double ang Oklahoma City Thunder upang magwagi kontra sa dumayong Los Angeles Lakers, 119-103.

Nagtapos na may 20 points, 20 rebounds at 21 assists si Westbrook upang maitanghal bilang ikalawang player sa kasaysayan ng NBA na nagtala ng 20 o higit pang puntos, rebounds at assists sa isang laro.

Naduplika rin ng 2017 NBA Most Valuable Player ang kahalintulad na record ni NBA legend Wilt Chamberlain noong 1968.

Sa nasabing laro, nagtapos na may 22 points, 25 rebounds at 21 assists si Chamberlain.

Sumandal naman ang Lakers kay Kentavious Caldwell-Pope na naglista ng 23 points.