-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang 20 anyos na babae matapos itong pinagtataga ng kanyang mismong live-in partner kaninang madaling araw sa loob mismo ng kanilang pamamahay sa Barangay Dumlan, Maco probinsya sa Davao de Oro.

Kinilala ang biktima na si Jelly Joy Coscos, 20 anyos habang ang live-in partner nito na sya ring suspek ang kinilalang si Jimmy Genobiagon Artelahon, 28 anyos, isang magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Maco Municipal Police Station, napag-alamang nag-celebrate sila sa birthday ng kanilang anak kahapon ngunit sa di inaasahang pangyayari, biglang nagkasagutan ang dalawa na nagresulta ng kanilang grabeng pag-aaway.

Nagbanta umano ang biktima na aalis ito sa kanilang bahay dala ang kanilang anak.

Ngunit hindi ito nagustohan ng suspek rason na tinaga nito ng iilang ulit ang kanyang partner.

Nagtamo ng maraming sugat ang biktima sa kanyang ulo, likod at iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging rason ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad namang sumuko ang suspek matapos mapagtanto ang krimen na kanyang nagawa.