-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahaharap sa patong-patong na kaso may kinalaman sa acts of lasciviousness at motornapping ang 20-anyos na lalaki matapos manghipo umano ng dalawang babae at magnakaw ng isang motorsiklo sa Bangued, Abra kaninang madaling araw.

Ayon sa Bangued PNP, magkasunod na nagreklamo ang dalawang babae na parehong 34-anyos matapos silang hipuan umano ng suspek na nakilalang si Aldrin Fabroa, residente ng Danglas, Abra.

Sinabi ng isa sa mga biktima, naglalakad sila sa bahagi ng Zone 5, Bangued nang bigla na lamang hinawakan ng naka-motorsiklong suspek ang kanyang puwetan.

Ayon naman sa isa, habang lulan siya ng kanyang motorsiklo ay hinila siya ng suspek at hinawakan ang kanyang dibdib.

Nahuli ang suspek na napag-alamang lasing sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya.

Depensa ni Fabroa, ang akala niya ay mga ka-batch niya ang mga biktima kaya nagawa niya ang panghihipo.

Samatala, habang nasa himpilan ng Bangued PNP ay nadiskubreng ninakaw ng suspek at sumuko ito na kasama na ang isang motorsiklo.