-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Patay ang isang lalaki matapos malunod sa baybayin ng Sitio Agbucad, Barangay Aquino, Ibajay, Aklan.

Nakilala ang biktima na si Aljhon Sansolis, 20 anyos at residente ng Barangay Alimbo Baybay, sa nasabing lalawigan.

Kinumpirma ni Police Corporal Jacquilyn Maylas ng Ibajay Police Station na mayroong sakit na epilepsy si Sansolis.

Ayon kay Maylas, mismong ang ina ng biktima ang nakakita na wala ng buhay sa baybayin ang kanyang anak.

Naniniwala naman ang pamilya nito na walang “foul play” na nangyari sa pagkamatay ng biktima.