Nakatakdang umalis ngayon patungong Harbin, China ang 20 atleta ng bansa na sasabak sa 9th Asian Winter Games.
Gaganapin ang opening ceremony sa araw ng Biyernes sa Harbin International Convention Exhibition and Sports Center at magtatapos ito ng hanggang Pebrereo 14.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, na kayang makipagsabayan ang ating atleta.
Bukod kasi sa kaya nilang makakamit ng medalya ay isa rin itong exposure at karanasan para magkaroon ng pangalan ang bansa sa Winter Olympics.
Ang nasabing bilang na 20-atleta ay siyang pinakamalaking delegasyon na ng bansa sa nasabing torneo.
Pangungunahan ito nina Francis Ceccarelli atTallulah Proulx para sa slalom ng Alpine Skiing; Laetaz Amihan Rabe sa free ski slopestyle, big air at halfpipe ng snowboarding.
Short-track speed skater Peter Gorseclose; kasama rin sina Isabella Gamez at Alexander Korovin ng figure skaters paer; at mga figure skaters na sina Sofia Frank, Paolo Borromeo, Cathryn Limketkai.
Binubuo naman ng men’s curling team nina Benjo Delarmente, Alan Frei, Christian Haller, Enrico Pfister at Marc Pfister.
Habang sa womens’ curling team ay binubuo nina Anne Bonache, Kathleen Dubberstein, Leilani Dubberstein, Sheila Mariano at Jessica Pfister.
Hindi naman makakasama si Pinoyo snowboarder Adrian Lee Tongko matapos na magtamo ng knee injury habang ito ay nagsasanay sa Hakuba, Japan.