-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Abot na 20 mga contact tracers (hired by DILG XII) ang binigyang oryentasyon ni Kabacan Cotabato Municipal Administrator Ben C. Guzman at MLGOO Ranulfo Martin.

Ayon kay Martin, ang mga contact tracers ay mga residente rin ng bayan kung kaya inaasahan na mas mapapadali ang contact tracing sa isasagawa.

Nagpasalamat naman si Guzman sa DILG sa paglalaan ng mga contact tracers para sa bayan.

Umapela rin ito sa mga tracers na sundin at maging modelo sa pagsunod sa mga ipinapairal na kautusan tulad na lamang ng pagsuot ng tama ng face mask, face shield, social distancing, at palagiang paghuhugas ng kamay.

Mithiin ng contact tracers na mas mapadali at maisaayos ang pagtrace sa mga lugar at nakasalamuha ng mga nagpopositibo.

Nanawagan naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa lahat na magkaisa at magtulungan kontra Covid 19.