-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nasa 20 na bahay ang nasira matapos manalasa ang ipo-ipo sa Iloilo.
Sa nasabing bilang 16 ang naitala sa Oton, Iloilo at apat naman sa West Habog-Habog, Molo, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Rehum Torre, ng Botong, Oton, Iloilo, sinabi nito na nagulantang ang kanyang mga residente sa malakas na ugong ng hangin at kasunod nito ay hinambalos ng buhawi ang kanilang mga bahay.
Maliban sa mga bahay, may mga piggery rin anya at taniman na nasira dahil sa ipo-ipo.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang assessment ng Disaster Risk Reduction and Management Office sa pinsala ng ipo-ipo sa apektadong mga lugar.