-- Advertisements --

Nailibing na ang 20 mga hindi pa nakukuhang mga labi ng mga persons deprived with liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., nailibing na ang mga PDL’s sa New Bilibid Prison Cemetery noong Oktubre 24 pa ng kasalukuyang taon.

Aniya, nakakaawa umano ang sitwasyon ng mga yumaong pdls na hindi madadalaw ng kani-kanilang mga pamilya na kasalukuyan nang nakahimlay sa NBP Cemetery.

Dahilan umano para atasan ni Catapang ang isa pa nilang opisyal na si NBP Superintendent, Chief Inspector Roger Boncalesna ipagtirik ng kandila ang mga ito sa kanikanilang mga puntod.

Samantala, batay naman sa datos ng naturang ahensya ay umaabot sa 384 na mga labi ang hindi pa nakukuha ng kanilang mga pamilya sa mga kulangan at penal farms sa buong bansa. (BEA PANEZA)