-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa P4 milyon ang iniwang danyos sa mga alagang baboy na tinamaan ng African swine fever (ASF) sa Pigcawayan Cotabato.

Ayon kay Municipal Agriculturist Officer Luisa Bueno na mula sa 28 barangays ng Pigcawayan aabot na sa 20 mga barangays ang apektado ng ASF

Aabot na rin sa higit isang libong swine ang na depopulate mula sa 178 na mga apektadong hog raisers.

Tinatayang aabot na sa P3.6 million ang naipamahagi na tulong ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Pigcawayan sa mga apektadong magsasaka mula sa kanilang quick response fund.

Habang ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ay abot na rin sa higit isang milyong piso ang naipamahagi sa 65 hog raisers.

Kinumprrma naman ni Bueno na sa ngayon ay bumababa na ang kaso ng ASF sa bayan ng Pigcawayan kung saan karamihan sa mga backyard hog raisers ay hindi na muna nag-aalaga ng hayop.