CENTRAL MINDANAO – Tapos na ang 20 bed capacity na isolation facility sa bayan ng Midsayap, Cotabato.
Agad na-turn-over ng OCD-12 ang isolation facility sa LGU-Midsayap na matatagpuan sa Barangay Sadaan.
Sa ngayon ay mayroon ng 70-bed capacity ang bayan para sa mga suspect, probable at confirmed COVID-19 patients.
Ayon kay OCD Region XII chief administrative officer Roy Dorado, nakapagtayo ang kanilang ahensiya katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Health (DOH) ng 18 isolation facilities sa SOCCSKSARGEN Region kung saan isa sa mga nabigyan ang Midsayap.
Nagpapasalamat naman ang LGU-Midsayap sa P10 million na pondo na inilaan ng OCD XII sa ilalim ng Bayanihan Act 2 para sa pagpapatayo sa nasabing pasilidad.
Ayon kay Emergency Operations Center (EOC) Incident Commander councilor Dr. Vivencio Deomampo Jr., ang suporta ng OCD ay malaking tulong sa nakakabahalang pagtaas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bayan.