-- Advertisements --

Umabot na sa 20 mga kawani ng Bureau of Corrections ang natanggal na sa serbisyo dahil sa iba’t-ibang mga katiwalian.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang na ang nasabing bilang ay mula noong ito ay maupo sa puwesto sa taong 2022.

Base sa kanilang datus na mayroong 70 mga personnel din ang nasuspendi, 10 ang minultahan at 19 ang pinagpaliwanag sa mga kasong kinakaharap.

Dagdag pa ni Catapang na karamihan sa mga kaso ng mga ito ay dahil sa gross neglect of duty, serious dishonesty, misconduct at insubordination.

Ang nasabing hakbang aniya ay bahagi ng program ng BuCor para labahan ang mga iskalawag sa kanilang hanay.