-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na magagamit na ng mga national athletes at coaches ang 20 percent na diskuwento sa mga piling establishimento.

Napapaloob sa Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Acts na mabibigyan ng 20% discounts ang mga national athletes sa transportasyon, lodging, food, medicines at sports equipment.

Sinabi ni PSC chairman William Ramirez, na dumating na rin sa panahon na pinakahihintay nila para sa mga deserving national athletes ng bansa.

Naipamigay na rin ng PSC ang mga IDs sa mga miyembro ng national team habang ang mga booklets ay kasalukuyang inaayos.

Magugunitang nitong Miyerkules ay inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Revenue Regulation 13-2020 na napapaloob sa aplkasyon ng incentives sa ilalim ng RA 10699.

Magiging epektibo ang nasabing kautusan pagkatapos ng 15 araw kapag ito ay nailimbag na sa iba’t-ibang mga national papers.