DAVAO CITY – Inihayag ni Michelle Schlosser, Davao City COVID-19 Task Force spokesperson na aasahang isasailalim sa lockdown ang nasa 20 mga establisyemento sa lungsod matapos na patuloy ang pagtaas ng bilang sa mga empleyado na nagpositibo sa virus.
Ayon sa opisyal, nagpapatuloy ngayon ang ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng zoning containment strategy ng COVID-19 Task Force kung saan hahanapin nila ang mga establisyemento na nakapagtala ng mataas na kaso.
Sinasabing karamihan sa mga establisyemento ang may clustering sa kaso sa COVID-19 sa kanilang mga empleyado.
Aminado ang ahensiya na nagpapatuloy ngayon ang surge sa kaso ng mga nagpositibo sa lungsod kung saan isa sa mga dahilan nito ay ang contact tracing violation.
Nanawagan ngayon ng kooperasyon ang nasabing opisina sa publiko lalo na ang mga nakakatanggap ng mensahe na kailangan sumailalim sa swab test base sa kanilang schedule.
Kung maalala una ng sinabi ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na isa ang mga bangko, BPOs at iba pang mga opisina ang mga nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.