-- Advertisements --

Nasa 20 insidente ng firecracker injury ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula nuong December 16 hanggang December 28.

Ayon kay NCRPO chief PDir Oscar Albayalde, sa nasabing bilang karamihan sa mga nasugatan ay dahil sa piccolo at watusi ay ang mga biktima ay may edad 11-anyos hanggang 12-anyos.

“Totoo yung sinabi mo na kahit sa tindahan merong binenbenta although they are imported itong mga Piccolo na to , ito most probably yung mga nakakalusot pa o yung mga natitira pa na hindi pa nahuhuli the previous year at kaya tayo kapag may nakita ang ating mga kababayanb na nagbebenta ng mga ganitong klaseng paputok, isumbong natin sa ating mga kapulisan o sa autrodaid, para matigil na to,” wika ni Albayalde.

Tiniyak ni Albayalde, palalakasin pa ng NCRPO ang kanilang kampanya laban sa pagbebenta ng mga iligal na paputok.

Hinimok ni Albayalde ang publiko na isumbong sa otoridad kung may nakita silang may nagtitinda pa rin sa kanilang mga lugar na mga ipinagbabawal na paputok.

Dalawang indibiwal na rin ang naaresto ng Manila Police District (MPD) dahil sa narekober 53 boxes ng mga iligal na paputok sa may bahagi ng Divisoria.

Sinabi ni Albayalde, nahaharap sa parusang isa hanggang dalawang taon na pagkakabilanggo sa mga indibidwal na mahuhulihan ng iligal na paputok.

Dagdag pa ni Albayalde na lahat ng mga crime prone areas sa Metro Manila ay kanilang tinututukan lalo na ang mga lugar na mataas ang ang kaso ng indiscriminate firing nuong nakaraang taon.

Ang mga nasabing lugar ay Navotas, Baseco, Taguig at Caloocan.

Samantala, binigyang-diin naman ni Albayalde na no mercy para sa mga pulis na iligal na magpapaputok ng armas sa pagsalubong sa bagong taon.