Nasa 20 katao pa rin kabilang ang ilang Pilipino ang kasalukuyang nanatili sa Intensive Care Unit ng mga pagamutan sa Bangkok, Thailand.
Resulta pa rin ito ng naranasang severe turbulence at high-altitude plunge ng flight ng isang Singapore Airlines na ikinasawi naman ng isang nakatatandang pasahero nito at ikinasugat ng mahigit 100 iba pang mga indibdiwal.
Sa ulat kabilang sa 20 biktima na kasalukuyang nasa intensive care unit ay mga indibiwdal na nagmula pa sa Australia, Britain, Hong Kong, Malaysia, New Zealand, Singapore, at Pilipinas.
Samantala, ilang araw matapos ang naturang trahedya ay nakalapag na sa Changi Airport sa Singapore ang relief flight na may lulan na 131 na mga pasahero at 12 crew members na pawang sinalubong naman ng kanilang mga mahal sa buhay.
Kaugnay nito ay humingi naman ng tawad ang Chief Executive ng Singapore Airlines na si Goh Choon Phong nang dahil sa nangyaring trahedya na ikinasugat at ikinasawi pa ng ilan sa kanilang mga pasahero.
Habang nagpahayag din ng lubos na pakikiramay si Singapore Prime Minister Lawrence Wong sa pamilya ng biktimang nasawi nang dahil sa naturang trahedya.