-- Advertisements --

Patay ang 20 inmates matapos na sila ay pagbabarili sila ng mga kapulisan dahil sa tangkang pagtakas sa Madagascar.

Unang inatake ng mga inmates ang mga guwardiya gamit ang mga bato at kinuha ang mga baril sa Farafangana prison sa southeast ng Indian Ocean island.

Agad na naaresto ang 37 sa 88 na pumuga habang sugatan naman ang walong inmates.

Hindi lamang ito ang unang insidente ng pagtakas sa bansa dahil noong 2016, ay aabot sa 40 detainees ang tumakas sa high-security prison.