-- Advertisements --

Nagpalipas ng magdamag sa gilid ng kalsada at sa covered court ang mga nasunugan sa Sampaloc, Maynila.

Aabot sa mahigit 20 bahay na binubuo ng 50 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Galica St..

Umabot pa sa ikatlong alarma ang nasabing sunog kung saan halos dalawang oras bago ito tuluyang maapula.

Nahirapang makapasok ang mga bumbero sa lugar dahil sa makitid na kalsada.

Isang residente ang nagtamo ng sugat sa ulo at paa ng tangka nitong isalba ang ilang mga kagamitan.

Patuloy pa rin na inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng nasabing sunog.