Nananatiling hindi madaanan ang kabuuang 20 kalsada sa iba’t ibang parte ng bansa partikular sa Bicol at Eastern Visayas regions dahil sa mga pagbaha dulot ng mga pag-ulang dala ng bagyong Kristine.
Base sa consolidated report nitong umaga ng Miyerkules, Oktubre 23, inanunsiyo ng DPWH Bureau of Maintenance na isinara muna ang mga daanang ito dahil sa pagguho ng mga palikong kalsada, pagbaha, landslide, natumbang mga puno at rockslide.
Ang 15 apektadong road sections ay sa Region 5 o Bicol Region, 4 sa Region 8 o Eastern Visayas at 1 sa Region IV-B o MIMAROPA.
Naapektuhan naman ng malalakas na pag-ulan at hangin dala ng bagyo sa nagpapatuloy na clearing operations sa Sibuyan Circumferential Road sa Romblon Province kung saan nakahambalang sa road sections ang mga bumagsak na lupa at natumbang mga puno.
Naka-preposisyon naman ang DPWH Quick response Assets mula sa mga apektadong Regional at District Engineering Offices para sa clearing operation habang ang Disaster Incident Management Teams ay patuloy na nakasubaybay sa sitwasyon sa iba pang national roads at mga tulay