-- Advertisements --

Nasa 20 katao ang nasawi matapos ang pagsabog ng fuel tanker sa Lebanon.

Bukod sa mga nasawi ay nagtala ng 79 sugatan sa nangyaring pagsabog sa Akkar region sa northern Lebanon.

Base sa imbestigasyon nangyari ang pagsabog ng ipapamahagi ng militar sa mga residente ng Atalil ng ito ay sumabog.

Ang nasabing fuel storage tank ay nakumpiska ng mga sundalo sa nasabing lugar.

Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng pagsabog ng fuel tanker.