LA UNION – Kasalukuyan nagrerecover ang 20 kawani ng Philippine Navy na dinapuan ng Covid 10 virus habang sila ay nakadaong sa Poro Point, San Fernando City, La Union.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Lt. Jaypee Abuan, public affairs office ng Naval Forces Northern Luzon, sinabi nito na kasalukyan nagpapagaling ang 20 kawani ng Phil. Navy sa recovery facility sa Sangley Point sa Cavite habang ang natitirang tatlo ay nasa isolation facility ng Rizal Medical Center.
Lingid sa kaalaman ng lahat, sila man ay nakaramdam ng diskriminasyon kung saan kapag lumalabas ang mga ito at nakitang nakasuot ng uniporme ng Navy ay iniilagan na sila.
Gayunman, ginagawa pa rin umano nila ang kanilang trabaho sa kabila ng nararamdaman nilang diskrimasyon upang protektahan ang publiko sa paglaganap ng Covid 19 virus.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagpatrolya sa karagatan upang masigurado sa kuminidad na sila ay ligtas.