Natukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 20 lugar sa bansa bilang flood at landslide-prone areas.
Ginawa ang pagtukoy sa nasabing mga lugar matapos na mahalal ang Pilipinas bilang host ng Loss and Damage Fund board na itinatag para matugunan ang epekto ng climate change sa developing countries dahil sa industrialization ng mayayamang bansa.
Kabilang sa 10 mga lugar na madalas na nakakaranas ng mga pagbaha dahil sa malapit ang mga ito sa ilog at iba pang factors ay ang Pampanga, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Maguindanao, Bulacan, Metro Manila, North Cotabato, Oriental Mindoro at Ilocos Norte.
Habang ang mga probinsiyang pinaka-prone pagdating sa landslide ay ang Benguet, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Kalinga, Apayao, Southern Leyte, Abra, Marinduque, Cebu, Catanduanes at Ifugao.