Tiniyak ni US President Joe Biden na puspusan ang ginagawa nilang hakbang ngayon upang matulungang mailabas ang mga produkto palabas ng Ukraine at mapigilan ang paglala ng global food crisis.
Ayon kay Biden, gagawa umano ng temporaryong daraanan ng shipment sa border ng Ukraine.
Kung maalala mula ng ilunsad ang russian invasion nagkaroon na ng blackade sa sa mga pantalan sa bahagi ng Ukrainian Black Sea port.
Sinasabing aabot na sa 20 milyong tonelada ng mga trigo ang natengga at hindi mai-deliver.
Pinangangambahan din na nagtanim ng bomba ang Russia sa bahagi ng daraanan sa karagatan.
Ang nagpapatuloy na giyera ay nagdulot naman ng pagtaas ng presyo ng trigo, cooking oil, mga produktong petrolyo at fertilizer.
Sinasabaing ang ikatlong bahagdan ng supply ng trigo sa buong mundo ay nagmumula sa Russia at Ukraine.
Ang Ukraine ay major exporter din ng mais at sunflower oil, habang ang Russia naman ay pangunahing exporter ng fertilizer.
Sa huling bilang nasa 84 na mga dayuhang barko ang na-stuck at hindi makaalis hanggang ngayon sa mga pantalan ng Ukraine.
Karamihan sa mga barkong ito ay may karga na mga trigo at iba pang produkto.
Sa ngayon isa sa naiisip ng Amerika ay i-transfer ang mga produktong ito sa iba’t ibang trains o railway cars sa bawat borders, at padadaanin din sa Poland hanggang sa dambuhalang European trucks at patungo na sa karagatan.