NAGA CITY- Arestado ang aabot sa 20 mangingisda sa kasong illegal fishing sa bayan ng Garchitorena, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSg Jamar Omar, tagapagsalita ng Garchitorena PNP sinabi nito na nahuli ang mga suspect habang isinagawa ang magkakahiwalay na seaborne patrol ng mga otoridad.
Ayon kay Omar, tinatayang nasa apat na groupo ang kanilang naaresto kung saan napagalaman na halos karamihan sa mga suspect ay magkakamag-anak din lamang.
Dagdag pa ni Omar, sa unang isinagawang operasyon ay lima katao ang una ng naaresto, habang anim naman sa pangalawang operasyon, apat katao sa pangatlo at sa pang huling operasyon ay lima katao naman ang nahuli.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspect para sa karampatang disposisyon.