Pumalo na ngayon sa 19.8 million ang kabuuang bilang ng mga student enrollees para sa School Year 2024-2025.
Ayon sa Department of Education, kinabibilangan ito ng mga mag-aaral sa Elementary, Junior, at Senior High School pati na sa Alternative Learning System.
Nangunguna naman ang CALABARZON region sa pinakamaraming enrollees na umabot sa 2.8 million.
Sinusundan naman ito ng Central Luzon na pumalo na sa 2.3 million habang pumangatlo naman ang National Capital Region na may 2.1 million enrollees.
Patuloy naman ang pag-iikot ni Education Secretary Sonny Angara ay ilang paaralan sa bansa.
Binisita ng kalihim ang Biñan Central Elementary School, Carmona National High School at Elementary School; Muntinlupa National High School, at Casimiro Ynares Sr. National High School ngayong araw.
Layon nito na tiyakin ang sitwasyon ng mga paaralang ito para sa pagbubukas ng klase ngayong araw.