-- Advertisements --

Boluntaryong sumuko sa mga tauhan ng PNP sa Laguna ang nasa 20 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa probinsiya ng Laguna.

Ayon kay Police Regional Office (PRO)-4A Director C/Supt. Edward Carranza, sumuko noong Enero 11 ang 19 sa mga ito sa may Brgy. San Antonio, Kalayaan, Laguna na nasa ilalim ng Sub-Regional Military Area 4A.

Sumunod na araw ay sumuko ang isa pang NPA member.

Inihayag pa ni Carranza na ang mga sumukong Communist NPA Terrorists (CNTs) ay miyembro ng Samahang Dumagat, isang ethnic group na nakabase sa kabundukan ng Laguna, Rizal at Quezon.

Isinuko naman ng mga sumukong rebelde ang isang M1 Garand Rifle; isang unit ng 12 Gauge Winchester Shotgun; isang unit ng 12 Gauge Squires Bingham Shotgun; isang unit ng Springfield .30-caliber rifle; isang fragmentation grenade; rifle grenade; 10 piraso ng M203 ammunition; 175 rounds ng 12 Gauge shotgun ammunitions; 62 rounds ng .38-caliber ammunitions; at 195 rounds ng caliber 9mm ammunitions.

Taong 1997 hanggang 2016 ng irecruit ng Bagong Hukbo ng Bayan ang mga Dumagat.

Tiniyak naman ng PNP na mapapasama sa programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ang mga sumukong NPA members.