-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dalawampung mga indigent individuals sa syudad ng Kidapawan ang tumanggap na tig P 15,000 para magsilbing initial capital sa maliit na negosyo mula sa Office of the President.

Ibinigay ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng DSWD at ng City Government sa City Hall Mega Tent grounds.

Una nang lumiham kay Pangulong Rodrigo Duterte at humiling ng tulong pangkabuhayanang nabanggit na beneficiaries para makaagapay sa panahon ng pananalasa ng Covid19 pandemic.

Dumaan sa masusing evaluation at validation ng City Social Welfare and Development Office ang mga recipient ng programang pangkabuhayan bago nag-qualify at makatanggap ng ayuda.

Kapital pang kabuhayan mula sa pagluluto o pagtitinda ng pagkain at small enterprises ang ibinigay sa beneficiaries, ayon na rin sa Regional Office XII ng DSWD na nangasiwa sa aktibidad.

Nire-require naman ang mga recipient na ipakita sa CSWDO ang resibo ng kanilang mga biniling kagamitan para pang negosyo para sa tamang liquidation ng perang inabot sa kanila ng pamahalaan.

Nagmula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod ang mga benepisyaryo ng tulong pangkabuhayan mula sa Office of the President.

Maliban dito ay mahigit naman sa 1,000 na mga indigent Kidapawenyos ang mabibigyan din ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng livelihood assistance program ng mismong DSWD sa susunod na linggo.

Ang mga ito ay mga indigent beneficiaries na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemic na navalidate ng ahensya.

Kaugnay nito ay nakumpirma na rin sa Sangguniang Panlungsod ang appointment ni Acting CSWDO Daisy Gaviola bilang ganap ng pinuno ng kanyang departamento.

Nakumpirma si Gaviola sa Regular Session ng SP ngayong June 10, 2021.

Siya ang humalili kay CSWDO Lorna Morales na nagretiro na pagsapit ng Enero 2021.

Nagbigay naman ng suporta ang pamunuan ng SP sa mga programang isinusulong ni Gaviola.